UAAP stars tampok sa ‘Home Jam: Dunkers Only ng ABS-CBN Sports
MANILA, Philippines — Bagama’t nasa panahon ng quarantine ay tuloy pa rin ang aksyon sa paglulunsad ng ABS-CBN Sports sa “Home Jam: Dunkers Only,” isang slam dunk contest tampok ang tatlong UAAP stars.
Mapapanood ito nang LIVE sa Facebook at Instagram ng ABS-CBN Sports sa alas-2 ng hapon sa Sabado.
Magpapasikatan sina Thirdy Ravena ng Ateneo Blue Eagles, Juan Gomez De Liaño ng University of the Philippines Fighting Maroons at Jamie Malonzo ng De La Salle Green Archers sa dakdakan sa loob ng tatlong round.
Tatayong hurado sina Kobe Paras, naghari noong 2013 at 2015 FIBA 3x3 Under-18 World Championship dunk competition, at si Robert Bolick, ang dating kampeon mula sa NCAA at point guard ng NorthPort Batang Pier.
Matutunghayan din sa “Home Jam” series ang three-point shootout at skills challenge.
- Latest