^

PSN Palaro

Arum kay Pacquiao: I’m sorry!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Arum kay Pacquiao: I’m sorry!
Niyakap ni Bob Arum si Manny Pacquiao makaraan ang laban nito kay Floyd Mayweather.
File photo

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad si Top Rank Promotions chief Bob Arum kay eight-division world champion Manny Pacquiao matapos ihayag na balak ng Pinoy champion na tumakbong presidente sa 2022.

Ayon kay Arum, wala siyang karapatang isiwalat ang anumang planong pulitikal ni Pacquiao kaya’t agad itong nag-tikom ng bibig upang hindi na lumala pa ang isyu.

Nais ni Arum na ipaubaya kay Pacquiao ang announcement ng mga gagawin nito sa labas ng boksing.

“I shouldn’t have said anything and I apologized for that,” ani Arum.

Sa ngayon, isesentro na lamang muna ni Arum ang kanyang sarili sa lahat ng usapin tungkol sa boksing.

Ngunit naniniwala si Arum na malaki ang potensiyal ni Pacquiao na maging mabuliting leader ng bansa.

Pangunahing tinukoy nito ang mabuting puso sa pagtulong sa kanyang mga kababayan na isa sa pangunahing kailangan para pamunuan ang isang bansa.

“When he decides to run, he will make an announcement. It shouldn’t be me to talk about it. I love all the best for Manny. He is a terrific person and he will be a great leader of the country,” wika pa ni Arum.

Nauna nang isiniwalat ni Arum na sinabi sa kanya ni Pacquiao plano nitong tumakbong presidente sa 2022.

Agad naman itong itinanggi ni Pacquiao dahil purong boksing lamang ang tema sa tuwing makakausap nito si Arum.

Nilinaw ni Arum na hindi direktang inihayag ni Pacquiao ang plano nitong presidential bid.

Marahil ay iba lang umano ang pagkakaintindi nito sa sinabi ni Pacquiao.

“He said things that led me to believe that’s what he was indicating. He didn’t say the words, so I shouldn’t have said anything, it was my fault,” ani Arum.

Mas nanaisin na lamang ni Arum na plan­tsahin ang tinatarget nitong salpukan ng reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion na si Pacquiao at World Bo-xing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford.

BOB ARUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with