^

PSN Palaro

National Academy of Sports huhubog sa kinabukasan ng mga student-athletes

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
National Academy of Sports huhubog sa kinabukasan ng mga student-athletes
“This is actually beyond sports as we are building the future of our student-athletes,” wika ni Philippine Sports Commissioner Charles Raymond Maxey. “We are talking here life in general.”
Davao Sports Writers Association

MANILA, Philippines — Hindi lamang sesentro sa sports ang Republic Act 11470 o ang National Academy of Sports Act kundi pati sa kinabukasan ng mga student-athletes.

Sinabi kahapon ni Philippine Sports Commissioner Charles Raymond Maxey na mahuhubog sa NAS ang kapalaran ng mga qualified student-athletes.

“This is actually beyond sports as we are building the future of our student-athletes,” wika ni Maxey. “We are talking here life in general.”

Kamakalawa ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NAS Act kung saan si Senator Bong Go, ang chairman ng Senate Committee on Sports, ang principal author.

“It is about time that we establish a learning institution focused on sports,” wika ni Go.

Itatayo ang NAS sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac at magsisilbi sa mga qualified high school student-athletes na gustong mangibabaw sa sports kasabay ng pagkakaroon ng magandang edukasyon.

Magkakaroon ang NAS, magbibigay ng full scholarship sa mga qualified student-athletes, ng sports facilities, housing at iba pang amenities na angkop sa kasaluku­ang international standards.

“Our student-athletes will enjoy the benefit of ha­ving to undergo training in a modern sports facility and at the same time getting the education they need,” wika pa ni Go.

Ang NAS ay ikakabit sa Departnent of Education kung saan ang education secretary ang magiging chairman ng NAS Board of Trustees. Ang executive secretary na papangalanan ng DepEd chief ang tata­yong pinuno ng NAS.

NATIONAL ACADEMY OF SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with