National athletes bibigyan ng 20% discount
MANILA, Philippines — Magkakaroon ng 20 percent discount ang mga miyembro ng national team sa lahat ng bilihin at serbisyo base sa inilabas na revenue regulation letter ng Bureau of Internal Revenue.
Ang nasabing sulat ay nilagdaan nina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III at BIR Commissioner Caesar Dulay.
May discounts ang mga national athletes sa mga goods, medicine, transportation, services at restaurants, hotels at movie theaters.
Ang nasabing mga establisyimento na magbibigay ng discounts ay tatanggap naman ng tax relief.
Samantala, dahil sa maliit na pondong ibinigay ng Philippine Amusement and Games Corporation (PAGCOR) para sa buwan ng Abril ay posibleng tapyasin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang monthly allowance ng mga miyembro ng national teams.
Nagbigay lamang ang PAGCOR ng P9 milyon sa sports agency sa nakalipas na buwan mula sa dating nire-remit nilang P120 milyon.
Noong Marso ay nag-remit ang PAGCOR ng P150.75 milyon sa PSC.
Bahagi rin ng pagtitipid ng PSC sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic ng bansa ay ang non-extension ng mga kontrata ng ilang foreign coaches.
- Latest