Cariaso kumpiyansa sa magiging kampanya ng Aces
MANILA, Philippines — Huling naghari ang Alaska noong 2013 PBA Commissioner’s Cup kung saan tanging sina veteran center Sonny Thoss at point guard JVee Casio lamang ang naiwan sa nasabing champion team.
Sa mga nakuhang bagong players ay kumpiyansa si head coach Jeffrey Cariaso na makakapasok ang mga Aces sa PBA Finals para sa tsansang makopo ang titulo.
“We’re really on the right path on how we’re doing things because of the fact that our guys are understanding what needs to be done,” ani Cariaso, ang 1995 PBA Rookie of the Year.
Bahagi si Cariaso ng Alaska na kumuha ng PBA Grand Slam championship noong 1996 sa ilalim ni head coach Tim Cone.
Babanderahan nina Thoss, Casio, Vic Manuel, Kevin Racal at Jeron Teng ang laban ng Aces katuwang ang mga bagong hugot na sina Abu Tratter, Mike Digregorio, Rodney Brondial, Robert Herndon at Maverick Ahanmisi.
“We want to bring back the glory days of Alaska,” wika ni Teng. “We all know how great Alaska a team is, with its great winning tradition. Kaya lang our current team has yet to produce one.”
- Latest