^

PSN Palaro

Ravena tiwala sa kakayahan ni Sotto

Pilipino Star Ngayon
Ravena tiwala sa kakayahan ni Sotto
Kiefer Ravena
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Alam ni Gilas Pilipinas standout Kiefer Ravena na matinding laban ang haharapin ni Kai Sotto sa NBA G-League.

Ngunit naniniwala si Ravena na kakayanin ito ng 7-foot-2 na dating UAAP Juniors MVP dahil alam nito ang mentalidad ng isang Pinoy cager - ang pusong palaban.

“Kaya ni Kai ‘yun, he’s up to the challenge. He was raised well by his parents and born for this kind of challenge in making his dream come true,” ani Ra­vena sa panayam ng The Collective.

May iilan na nagdududa sa kakayahan ni Sotto.

Ilan ang nagsasabing hilaw pa ito.

Pero para kay Ra­vena, tama ang naging desisyon ni Sotto. Kaya naman pinayuhan ni Ravena na huwag nang pansinin ang mga haters.

“I agree doon sa decision niya. With the doubters, I’m sure he knows how to handle it,” ani Ravena.

Ayon kay Ravena, ilang bagay ang dapat paghandaan ni Sotto sa G-League.

Mapapalaban si Sotto sa mas matatanda at mas malalakas na manlalaro kaya’t mas maigi na mapalakas nito ang kanyang katawan upang makasabay sa balyahan.

“He’s going to play against guys close to his height but heavier. Most definitely, mas mature sa katawan niya. It’s diffe­rent. Coming into the G- League, you’re battling against 6-foot-10, 28 to 30-year-olds,” ani Ravena.

Dahil dito, tuluy-tuloy ang ensayo ni Sotto upang lubos na paghandaan ang pagsabak nito sa G- League.

Malaki na ang ipinagbago ng katawan ni Sotto.

Mula sa dating payat noong naglalaro pa ito sa UAAP juniors, lumaki na ang pangangatawan nito dahil bantay-sarado ang nutrisyon ng Pinoy cager.

Mas mabilis na rin ito kumpara noong naglalaro pa ito sa Pilipinas.

KEIFER RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with