^

PSN Palaro

Manny tutok kay Jimuel

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Manny tutok kay Jimuel
Ang mag-amang Manny at Jimuel Pacquiao.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sinasamantala ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang pagkakataon upang personal na turuan ng ibat ibang estratehiya ang anak nitong si Jimuel na inaasang susunod sa kanyang yapak.

Sa video na ipinaskil ni Jinkee sa kanyang Facebook page, sumailalim sa mitts si Jimuel kasama si Manny kung saan kitang-kita ang magandang porma ng mas batang Pacquiao.

Matiyagang tinuturuan ni Manny ang anak sa tamang pagbibitaw ng suntok at kumbinasyon kasabay ng paglatag ng depensa na mabilis namang nakukuha ni Jimuel.

Maliban sa uppercut at hook shot, tinuturuan din ni Manny ang anak sa tamang footwork.

Nang tanungin ni Jinkee ang anak kung “kaya pa?”

Sinabi pa ni Manny na gagawin ang naturang training session ng kada limang minuto.

“Tig-five minutes kaya ito,” ani Manny.

Nagagawa ito ng mag-ama dahil naka-home quarantine ang buong pamilya sa Makati bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Bahagi na rin ito ng regular workout ni Manny para manatiling nasa kundis­yon ang kanyang pangangatawan.

Makailang ulit nang sumalang si Jimuel sa amateur boxing.

Naniniwala si Manny na kayang-kaya ng kanyang anak na maging kampeon. Kailangan lang aniya ng pagsisikap at determinasyon para maabot ang pangarap.

Hindi biro ang pinagdaanan ni Manny bago makarating sa kasalukuyan nitong kinatatayuan.

Maraming beses itong nadapa sa kanyang mga unang taon sa boksing. Ngunit bumangon at lumaban ito hanggang sa marating ang tugatog ng tagumpay.

Si Manny ang isa sa itinuturing na pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan ng boksing.

Nagkampeon ito sa walong magkakaibang dibisyon.

Inaasahang mapa-pa­sama ito sa Hall of Fame sa mga susunod na taon.

Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang World Boxing Association (WBA) welterweight title.

Wala pang desisyon kung sino ang sunod na makakalaban ni Manny.

Buhay na naman ang usaping rematch nito kay undefeated Floyd Mayweather Jr.

Kailan lamang ay nagpost si Mayweather sa kanyang Instagram story ng vi-deo kung saan nagsasanay ito sa Mayweather Gym sa Las Vegas, Nevada.

JIMUEL PACQUAIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with