Vanessa ipinagdiwang ang kanilang 19th wedding anniversary ni Kobe
LOS ANGELES -- Ipinagdiwang ni Vanessa Bryant ang kanilang ika-19 wedding anniversary ng yumaong si NBA great Kobe Bryant sa pamamagitan ng isang dramatikong Instagram post.
“My king, my heart, my best friend. Happy 19th wedding anniversary. I miss you so much. I wish you were here to hold me in your arms. I love you,” ani Vanessa sa kanilang litrato ni Bryant.
Namatay ang five-time NBA champion na si Bryant kasama ang kanilang 13-anyos na anak na si Gianna at pitong iba pa sa isang helicopter crash sa Los Angeles noong Enero 26.
Si Gianna, kasama ang kanyang mga basketball teammates na sina Payton Chester at Alyssa Altobelli na namatay din sa nasabing aksidente, ay pinarangalan sa WNBA draft bilang honorary selections noong Biyernes.
Nag-rekord si Vanessa Bryant ng isang emotional message para sa draft broadcast.
“Being drafted into the women’s league would have been a dream come true for Gianna,” wika ni Vanessa sa kanyang anak.
Matapos ang draft ay inihayag ng WNBA ang paglikha ng Kobe & Gigi Bryant WNBA Advocacy Award na ibibigay sa “an individual or group who has made significant contributions to the visibility, perception and advancement of women’s and girls’ basketball at all levels.”
- Latest