^

PSN Palaro

Aldridge gustong tapusin ang career sa Portland

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO -- Ibinuhos ni seven-time All-Star LaMarcus Aldridge ang una niyang siyam na seasons para sa Portland Trail Blazers at maaari niyang tapusin ang kanyang career sa nasabing koponan.

Naglalaro sa kanyang pang-limang season para sa San Antonio Spurs, si Aldridge ay magiging free agent matapos ang 2020-21 season.

Nakakuha siya ng $26 milyon sa first season ng kanyang two-year, $50 million deal.

Bagama’t masaya sa Spurs ay may temtasyon pa rin sa 34-anyos big man na bumalik sa Pacific Northwest para sa reunion kay star guard Damian Lillard.

“As I think about it, I think I would be cool with it en­ding in two places, either with San Antonio or in Portland,” ani Aldridge sa NBA.com.

Ang nasabing espekulasyon ay nagmula sa sagot ni Lillard sa tanong sa isang team chat session sa mga fans sa Twitter kung sinong dating teammate ang gusto niyang muling makasama.

“I’d add Lamarcus,” sagot ni Lillard, tatlong seasons nakasama si Aldridge sa Trail Blazers.

Sinagot naman ito ni Aldridge ng isang eyes emoji.

Ang nasabing tweet ay binura ng Portland.

Si Aldridge ang all-time leading rebounder (5,434) ng Trail Blazers at No. 3 sa points (12,562) sa i­lalim nina Lillard (14,586) at lea­der Clyde Drexler (18,040).

ALL STAR

LAMARCUS ALDRIDGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with