^

PSN Palaro

Puentevella hinihingi ang listahan ng mga naantalang Olympic Qualifying meet

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling kahapon ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella sa International Weightlifting Federation na ilabas ang schedule at ve­nues ng listahan ng mga Olympic qualifying tournaments na ipinatigil dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ay para bigyan ang mga atleta ng sapat na panahong makapaghanda.

“I’m requesting the IWF board to decide soonest for the continuation of the qualifying events for the Tokyo Olympics next year as all countries are now waiting for the necessary last leg or two for their aspiring athletes,” ani Puentevella.

Kumpiyansa si Puentevella sa mga tsansa nina 2016 Rio silver medalist Hidilyn Diaz at Kristel Macrohon na makasikwat ng tiket sa Olympic Games sa Tokyo, Japan na inilipat sa susunod na taon dahil sa COVID-19.

Isang Olympic quali­fying na lamang ang kaila­ngang salihan ni Diaz para tuluyang makapasok sa 2021 Tokyo Games.

Nasa Top 10 naman ang 23-anyos na si Macrohon, ang Southeast Asian Games gold medal winner kagaya ni Diaz, sa women’s 71 kilogram.

Pinasalamatan naman ni Puentevella si IWF president Tamas Ajan na opisyal nang bumaba sa kanyang puwesto dahil sa katandaan.

Iginiya ni Ajan ang IWF sa loob ng 43 taon.

“I’m grateful to Ajan for guiding us, but we have to move on and our national association will forever be grateful,” sabi ni Puentevella.

MONICO PUENTEVELLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with