^

PSN Palaro

Ranidel opsyon ang pagsama sa coaching staff ng isang PBA team

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ranidel opsyon ang pagsama sa coaching staff ng isang PBA team
Ranidel De Ocampo
STAR/File

MANILA, Philippines — Ilang araw matapos magretiro ay may isa pang hamon na maaaring puntahan si Ranidel De Ocampo.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ng 16-year veteran na si De Ocampo na maging bahagi ng coaching staff ng isang PBA team.

“Sa ngayon hindi ko pa masabi, pero kung may gustong isali ako sa staff nila, puwede namang i-consider,” wika ng produkto ng St. Francis of Assisi College.

Noong Lunes ay opisyal nang inihayag ng 38-an­yos na si De Ocampo ang kanyang pagreretiro sa PBA na tinampukan ng anim na PBA championships at dalawang Finals MVP trophy.

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang injury sa huling dalawang taon niya sa Meralco Bolts ang naging dahilan ng pagsasabit ng dating miyembro ng Gilas Pilipinas ng kanyang uniporme.

Sakaling mangailangan si Meralco head coach ng isang tao sa kanyang coaching staff ay maaari niyang tapikin si De Ocampo.

“Sana nga para hindi na lalayo,” wika ng three-time Mythical First Team member at one-time Best Player of the Conference awardee.

Ilan sa mga nagretirong big man na bahagi ngayon ng coaching staff ng ilang PBA teams ay sina two-time PBA MVP Danny Ildefonso (Alaska), Richard Del  Rosario (Ginebra) at Rommel  Adducul (Blackwater).

RANIDEL DE OCAMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with