^

PSN Palaro

Sumo tournaments sa Japan kinansela dahil sa COVID-19

Pilipino Star Ngayon
Sumo tournaments sa Japan kinansela dahil sa COVID-19
Ito ang inihayag kahapon ng Japan Sumo Association, ang pinakahuling sporting events na naapektuhan ng coronavirus disease.

TOKYO -- Matapos ang 2020 Olympic Games ay kinansela naman ng Japan ang pagdaraos sa dalawang sumo tournaments sa susunod na buwan.

Ito ang inihayag kahapon ng Japan Sumo Association, ang pinakahuling sporting events na naapektuhan ng coronavirus disease (COVID-10).

“Today we just re­scheduled the two tournaments, but we can’t say anything more as the situation is changing day by day,” wika ng JSA sa dalawang sumo “basho” o tournament na nakatakda sa Mayo at Hulyo.

Dahil sa COVID-19 ay inilipat ang pagdaraos sa Tokyo Olympics sa Hulyo 23 ng 2021.

Nauna nang idinaos ang spring basho noong nakaraang buwan sa Osaka kung saan isinara ito sa publiko at ang mga wrestlers ay pinaligiran lamang ng ilang judges.

Ngunit ito ay isinaere sa national TV na pinanood ng kanilang mga fans.

Sa nasabing torneo ay dalawang beses kinuha ang temperatura ng mga wrestlers sa isang araw at hindi pinayagan ang mga Sumo stars na makipagkamay sa kanilang mga fans.

Dahil sa COVID-19 ay inaasahang magdedeklara si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ng isang state of emergency.

2020 OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with