Tokyo tumaas na ang bilang ng tinamaan ng COVID-19
TOKYO -- Bago ipagpaliban ang pagdaraos ng 2020 Olympic Games ay ipinakita ng Japan na kontrolado nila ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay sa kabila ng paglaganap ng COVID-19 sa mga kalapit nilang bansa.
“In order to make an impression that the city was taking control of the coronavirus, Tokyo avoided making strict requests and made the number of patients look smaller,” wika kahapon ni dating Japanese Prime Minister Yukio Hatoyama sa isang tweet. “The coronavirus has spread while they waited. (For Tokyo Gov. Yuriko Koike) it was Olympics first, not Tokyo’s residents.”
Dahil sa COVID-19 pandemic ay nagdesisyon ang Internarional Olympic Committee at ang Tokyo organizers na ipagpaliban ang pagdaraos sa 2020 Tokyo Games.
Una itong itinakda sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 at inaasahang isasagawa sa Hulyo ng susunod na taon.
Noong Sabado ay mayroong 63 bagong tinamaan ng COVID-19 sa Tokyo na isa na namang single-day record.
Inamin kamakalawa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na dadami pa ang mga tinamaan ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Idinagdag pa niyang hindi kailangang magdeklara ng state of emergency ngunit maaaring maharap ang Japan sa sitwasyon ngayon ng United States o Europe.
Ayon kay Japanese Health Minister Katsunobu Kato, walang kinalaman ang 2020 Olympic postponement sa pagtaas ng mga kumpirmadong may COVID-19 sa Tokyo.
Pinabulaanan ni Abe na may intensyon siyang itago ang tunay na sitwasyon sa Japan.
“I’m aware that some people suspect Japan is hiding the numbers, but I believe that’s not true,” wika ni Abe. “If there is a cover-up, it will show up in the number of deaths.”
- Latest