^

PSN Palaro

Mas mahabang preparasyon, mas maganda para sa Pinoy pugs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mas mahabang preparasyon, mas maganda para sa Pinoy pugs
Para kina AIBA Men’s World Boxing Championship silver medalist Eumir Felix Marcial at Southeast Asian Games silver winner Irish Magno, magandang pagkakataon ito para makarekober ang kanilang katawan.
STAR/Jun Mendoza/File

MANILA, Philippines — Tila isang “blessing in disguise” para sa Pinoy boxers ang pagpapaliban ng 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan na mula sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 ay ililipat na ito sa susunod na taon.

Para kina AIBA Men’s World Boxing Championship silver medalist Eumir Felix Marcial at Southeast Asian Games silver winner Irish Magno, magandang pagkakataon ito para makarekober ang kanilang katawan.

Galing sa matagumpay na kampanya sina Marcial at Magno sa ginanap na 2020 Asian-Oceanian Olympic qualifying tournament sa Amman, Jordan kung saan parehong nakasikwat ng tiket ang dalawa para sa Tokyo Olympics.

Pinagharian ni Marcial ang men’s middleweight division habang nakahirit ng puwesto si Magno matapos magwagi sa boxoff sa women’s flyweight class.

Ngunit nagtamo si Marcial ng injury sa kanyang semifinal match laban kay Ashish Kumar kaya naman magandang pagkakataon ito para mapagaling ng husto ang kanyang injury bago sumabak sa Olympics.

Tuloy pa rin ang ensayo ni Marcial habang nagpapagaling.

Kasalukuyan itong nasa Imus, Cavite kasama ang kanyang mga kapatid.

“Training pa rin kahit nasa bahay, footwork and blocking,” ani Marcial.

Hindi rin huminto si Magno na pinipilit maging abala sa kabila ng community quarantine.

“Self training muna ako dahil nga may quarantine,” ani Magno.

Hindi kuntento si Magno sa kanyang ipinamalas sa Olympic qualifying.

Natalo ito sa quarterfinals ngunit masuwerteng nabigyan ng pagkakataong makalaban sa boxoff na siyang naging daan nito para makasungkit ng silya sa Tokyo Olympics.

Kaya naman nais ni Magno na maging preparado ito para sa mas malaking laban na haharapin nito sa susunod na taon - ang Tokyo Olympics.

“Mas malalakas ang makakalaban ko dun kaya kailangan talagang handang-handa ako,” aniya.

Inaasahang madaragdagan pa ang Pinoy bo­xers sa Tokyo Games dahil isang qualifying tournament pa ang idaraos - ang World Olympic Qualifying Tournament sa Paris, France kung saan masisilayan si world champion Nesthy Petecio at iba pang miyembro ng national team.

2020 OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with