Barkley negatibo sa COVID-19
LOS ANGELES -- Makakahinga na ngayon nang maluwag si NBA icon Charles Barkley.
Sampung araw na ang nakakaraan nang ihayag ni Barkley na may sakit siya at nakatakdang magpasuri kung tinamaan siya ng coronavirus disease (COVID-19).
Kahapon ay ibinahagi niya ang magandang balita.
“I’ve received my COVID-19 test results this morning and they are negative,” ani Barkley sa isang statement sa Turner Sports. “I’d like to thank everyone for reaching out and expressing your concern and support. You all be safe and please take the necessary actions to help ensure your well-being.”
Isang araw matapos ang pahayag ni Barkley ay sinuspindi ng NBA ang kanilang mga laro dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ni Utah Jazz star center Rudy Gobert’.
Bago nagtungo sa New York City ay nakasama ng 57-anyos na si Barkley ang Los Angeles Angels noong Marso 2 sa Mesa, Arizona para sa isang spring training game laban sa Chicago Cubs.
Sinabi ni Angels manager Joe Maddon noong nakaraang linggo na walang Angels players o coaches na nagpakita ng sintomas ng COVID-19 matapos ang pagbisita sa kanila ni Barkley.
Ayon naman kay Angels general manager Billy Eppler, sinusundan ng tropa ang magiging resulta ng test ni Barkley at naghihintay ng instructions mula sa Centers for Disease Control and Prevention.
- Latest