^

PSN Palaro

PBA rookies umaasang matatapos ang COVID-19 pandemic

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa lamang si Aaron Black ng Meralco sa mga rookies na hindi pa naipapakita ang kanilang husay sa nasuspinding 2020 PBA Philippine Cup.

Umaasa si Aaron, ang anak ni Bolts’ head coach Norman Black, na malalampasan ng mga Pinoy ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“A lot of people are suffering right now, so I just pray that God puts his healing hand on the world and we all go back to normal as soon as this virus is gone,” wika ng dating point guard ng Ateneo  sa UAAP.

“I’m definitely more concerned with those people a lot more than going back on the court and playing ball,” dagdag pa nito.

Tatlong araw matapos buksan ang 2020 PBA Phi­lippine Cup noong Marso 8 ay sinuspindi ng liga ang komperensya bunga ng COVID-19.

Kamakawala ay pinalawig pa ng PBA ang pagbabawal sa mga practices at scrimmages ng 12 koponan bilang pagsunod sa enhanced community quarantine ng gobyerno.

Kagaya ni Aaron, pinayuhan din ni rookie Will McAloney ng NLEX ang lahat na manatili sa kani-kanilang mga tahanan para hindi maikalat ang COVID-19.

“There’s nothing we can do really (about the situation). Just like the rest, I’m just at home and try to stay in shape by doing some home workout,” wika ni McAloney.

Kinatigan naman ito ni Alaska rookie Rey Publcko.

AARON BLACK

REY PUBLCKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with