^

PSN Palaro

ASEAN Para Games inilipat sa Oktubre

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
ASEAN Para Games inilipat sa Oktubre
Ito ang napagkasunduan ng ASEAN Para Sports Federation (APSF) Board of Governors (BoG) matapos ang emergency meeting na isinagawa sa pamamagitan ng video conference.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kasado na ang pagtatanghal ng 10th ASEAN Para Games sa Oktubre 3 hanggang 9 sa Pilipinas.

Ito ang napagkasunduan ng ASEAN Para Sports Federation (APSF) Board of Governors (BoG) matapos ang emergency meeting na isinagawa sa pamamagitan ng video conference.

Inilabas ang statement ni APSF Board of Governors secretary Major General Osoth Bhavilai ng Thailand kung saan inilipat ang Asean Para Games mula sa dating petsa na Marso 21 hanggang 27 dahil na rin sa coronavirus pandemic na kumalat na rin sa mga Southeast Asian member countries.

Napili ang Oktubre dahil inaasahang under control na ang coronavirus sa naturang petsa.

“The APSF BoG agreed that the Games will now be moved from 21-27 March 2020 to 3-9 October 2020 with conditions that the Covid-19 pandemic is put under control and no longer a threat to human,” ani Bhavilai sa statement. Sapat na aniya ang mahigit anim na buwan para muling maisaayos ng Philippine ASEAN Para Games Organizing Committee (PHILAPGOC) ang mga kakailanganin para sa pagtataguyod ng Para Games.

“The dates serve as the new target dates for the 10th edition of the Games to help the Philippines ASEAN Para Games Organizing Committee (PHILAPGOC) with the necessary arrangement and preparation,” dagdag pa ni Bhavilai.

Nakatakdang magpulong ang kumite sa Hulyo para muling pag-aralan ang coronavirus situation hindi lamang sa Pilipinas maging sa iba pang miyembro ng Asean region na kalahok sa Para Games.

“The Board has agreed to convene another meeting at the end of July 2020 to assess on the Covid-19 situation before confirming and proceeding with the proposed new dates for the Games,” ayon sa statement.

“This is to adhere to the regulation that the host notifies APSF at least 60 days before the commencement of the Games to allow time for the APSF Coordination Committee to inspect Games facilities and the host’s readiness,” dagdag nito.

Sumunod ang organisasyon sa panawagan ng World Health Organization (WHO) na ipagpaliban muna ang mga malakihang events gaya ng multi-sporting event na Asean Para Games para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

“APSF is adhering strictly to the guidelines and preventive measures stipulated by the World Health Organization (WHO) and health authorities to help contain the pandemic in the respective ASEAN nations to protect the health, welfare and safety of all participating athletes, officials and contingents,” ayon pa sa statement.

10TH ASEAN

APSF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with