Salcedo inangkin ang korona sa Phoenix chessfest
MANILA, Philippines — Itinakas ni Filipino IM Richelieu Salcedo III ang titulo sa First Leg ng Rising Phoenix International Chess Championship 2020 na ginanap sa Phoenix, USA.
Pinagtibay ng tubong-Salay, Misamis Oriental na si Salcedo, miyembro ng Philippine Airforce chess team bilang isa sa mga pangunahing blitz chess player ng bansa.
Bukod kay Salcedo, pumapangalawa naman si untitled Kevin Arquero ng Philippine Army chess team habang ikatlo naman ang American Fide Master (FM) Steven Breckenridge.
Nagpasiklab din sa nasabing torneo si whiz kid Juncin Estrella ng Silang, Cavite ang korona sa kiddies category habang pinangunahan din ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ng Legaspi City ang ladies division.
Tatlong minuto ang ibinigay na time limit sa blitz chess. Ang grand finals ay nakatakdang ganapin sa Hunyo 6, 2020 kung saan tatanggap ang kampeon ng kabuuang P15,000 habang ang second at third placers ay magbubulsa ng tig P7,500 at P3,100 ayon sa pagkakasunod.
- Latest