PSC tuloy ang serbisyo
MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkakasara ng kanilang mga facilities, nanatili naman ang serbisyo ng Philippine Sports Commission sa mga atleta ng national team.
Nagbigay si PSC Chairman William Ramirez ng patnubay para patuloy ang kanilang paglilingkod sa mga atletang nakatira sa Philsports Complex sa Pasig City.
“These are extraordinary times which call for extraordinary commitment and service from all of us,” pahayag ni Ramirez.
Isinara ang ahensya ng gobyerno para sa sports ang kanilang mga facilities sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at Pasig alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagay sa buong Metro Manila sa Community Quarantine.
Hinikayat ng PSC na ang mga atletang nagsasanay sa nasabing sports facilties ay umuwi na lang muna sa probinsya, ngunit may ibang atlleta na patuloy ang pagsasanay dahil sa kanilang sasalihan na iba’t ibang international competitions. Patuloy din ang pagbibigay ng pagkain, recreational facilities at medical assistance mula sa PSC.
Mahigit 28 atleta, apat na coaches at dalawang Koreanong coaches mula sa fencing, boxing, athletics at anim na Para-sports ang nanatili sa Philsports Complex sa pangangalaga ni dormitory Manager, Roselle Destura.
Sinisiguro naman nina Deputy Executive Directors, Atty. Guillermo Iroy at Simeon Rivera ang patuloy na pagbibigay serbisyo sa mga atleta at mga coaches.
“We all increase our susceptibility when we go out of our homes, but we also know that there are very basic services that we need to deliver. I appreciate the sacrifice of our officers and staff to brave the risk to work on these things. Ito talagang para sa inang bayan,”dagdag ni Ramirez.
- Latest