^

PSN Palaro

Aranas pasok sa Finals ng Diamond 10-Ball Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Sa Las Vegas naman umaariba

MANILA, Philippines — Tuloy ang matikas na kamada ni Zoren James Aranas matapos humirit ng tiket sa finals ng 2020 Diamond Las Vegas 10-Ball Open na ginaganap sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Inilabas ni Aranas ang bagsik nito para pataubin si Chang Jung-Lin ng Chinese-Taipei sa pamamagitan ng 7-4 desisyon sa semifinals ng winners’ bracket para masiguro ang unang silya sa championship round.

Nakaabang na lamang si Aranas sa magwawagi sa semifinals ng losers’ bracket para harapin sa finals kung saan nakalaan ang $17,000 sa magkakampeon habang mag-uuwi naman ng $10,000 konsolasyon ang runner-up.

Umusad sa semis si Aranas nang sorpresahin nito si dating world champion Ralf Souquet ng Germany sa quarterfinals sa bisa ng 7-5 pahirapang panalo.

Kabilang din sa mga pinataob ni Aranas sina Rory Hendrickson sa first round (7-5), Chris Melling sa se­cond round (7-5), Maximi­lian Lechner sa third round (7-5), Ian Costello sa fourth round (7-3) at Justin Bergman sa fifth round (7-5).

Ang dalawang ma­ngungunang manlalaro ay awtomatikong mabibiya­yaan ng tiket sa prestihiyosong 2020 Predator World 10-Ball Championship na agad na magsisimula sa parehong venue matapos ang torneo.

Dahil dito, pasok na si Aranas sa World 10-Ball tilt dahil sa kaniyang pag-entra sa finals kung saan runner-up ang pinakamababang maaring makuha nito.

Makakasama ni Aranas sa World 10-Ball sina dating world champion Carlo Biado, Johann Chua, Jeffrey Ignacio at Jeffrey De Luna  habang aariba rin sina Dennis Orcollo at Francisco “Django” Bustamante.

Sariwa pa si Aranas sa matamis na pagkopo ng titulo sa 2020 Scotty Townsend Memorial Tournament 9-Ball Open Division na ginanap sa West Monroe sa Los Angeles, California.

Napasakamay naman ni Orcollo ang 10-Ball crown habang si Bustamante ang naghari sa One Pocket event sa parehong 2020 Scotty Townsend Memorial Tournament.

ZOREN JAMES ARANAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with