^

PSN Palaro

Ceres-Negros binokya ang Indonesia

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kahit  hindi nakadalo ang kanilang mga taga-suporta, patuloy pa rin ang pag-ragasa ng Filipino football club Ceres-Negros FC matapos ang 4-0 panalo kontra sa Indonesia  Bali United FC sa isinagawang closed-door game ng 2020 AFC Cup sa Rizal Memorial Football Stadium sa Malate, Manila.

Nagpasiya ang organizer ng kumpetisyon na  ga­wing closed-door ang laro dahil sa banta ng COVID-19 kaya maraming mga fans ang dismayado.

Ipinakita naman ng mga Filipino Booters na hindi sila apektado sa naturang senaryo at agad bumirada ng goal tungo sa pagsungkit sa kanilang ikalawang panalo  sa Group G.

Unang umiskor si OJ Porteria sa 35th minute ng first half. Pinagpatuloy ni star Striker Bienve Maranon ang magandang opensa sa second half kung saan umiskor siya mula sa pe­nalty sa  54th minute.

Sinundan naman ito ng isa pang perfect header mula sa corner kick sa ika-69th minute para palawakin ang bentahe,  3-0.

Tuluyan nang isinara ng Pinoy team ang pintuan sa mga Indonesians pagkaraang humataw si Robert Lopez Mendy sa ika-73rd minute sa second half.

CERES-NEGROS FC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with