Marinerang Pilipina, Generika agawan sa panalo
MANILA, Philippines — Asam ng Marinerang Pilipina at Generika-Ayala ang unang panalo sa kanilang paghaharap ngayon sa pagpapatuloy ng 2020 Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Magtatagpo ang MPS Lady Spikers at Lifesavers sa alas-7 ng gabi pagkatapos ng sagupaan ng Chery Tiggo at PLDT Home Fibr Hitters sa alas-5 ng hapon.
Kapwa tangan ng Lady Skippers at Lifesavers ang parehong 0-2 win-loss slate kaya mahalaga para sa kanila na masungkit ang panalo upang makapasok sa win-column.
Unang nakatikim ang Lady Skippers ng talo sa mga kamay ng Chery Tiggo, 20-25, 29-27, 21-25, 21-25 Marso 3 at sinundan ng 19-25, 25-21, 28-30, 20-25, talo sa Sta. Lucia Lady Realtors noong Marso 7.
Bigo rin ang Lifesavers sa two-peat champion Petron Blaze Spikers sa straight sets, 22-25, 22-25, 21-25, sa opening day noong Pebrero 29.
Ang ikalawang talo ng Generika-Ayala ay sa Cignal HD Spikers, 25-19, 18-25, 20-25, 20-25, noong Marso 3.
Sa iba pang laro, hangad din ng PLDT ni head coach Roger Gorayeb na tuldukan na ang two-game losing skid upang umakyat sa itaas ng standing na sa ngayon ay pinamumunuan ng Petron, F2 Logistics at Sta. Lucia na hawak ang 2-0 slate.
- Latest