^

PSN Palaro

Ateneo, La Salle uupak na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ateneo, La Salle uupak na
Nakatakda ang inaabangang duwelo ng nagdedepensang Lady Eagles at Lady Spikers sa alas-3:30 ng hapon habang masisila­yan naman ang bakbakan ng University of the Philippines at University of the East sa alas-10:30 ng umaga.
STAR/Jun Mendoza/File

MANILA, Philippines — Muling magkukrus ang landas ng mortal na magkaribal na Ateneo de Manila University at De La Salle University ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang inaabangang duwelo ng nagdedepensang Lady Eagles at Lady Spikers sa alas-3:30 ng hapon habang masisila­yan naman ang bakbakan ng University of the Philippines at University of the East sa alas-10:30 ng umaga.

Hangad ng Ateneo na masolo ang maagang lide­rato kung saan nakatali ito sa three-way tie sa unahan ng standings kasama ang Far Eastern University at National University hawak ang magkakatulad na 1-0 marka.

Nakapag-warmup na ang Lady Eagles nang itarak nito ang 25-13, 25-17, 25-23 panalo laban sa Fighting Maroons noong Miyerkules.

Kukuha ng lakas ang Ateneo kina Season 81 Best Opposite Hitter Kat Tolentino at super rookie Faith Nisperos na pangunahing sinandalan ng Katipunan-based squad sa kanilang huling laro.

Kumana si Tolentino ng 12 attacks at tatlong blocks habang nagparamdam agad si Nisperos na umiskor ng 10 hits laban sa UP.

Maganda rin ang kontribusyon nina open spikers-turned-middle blockers Jules Samonte at Ponggay Gaston na gumawa ng pinagsamang 16 puntos.

Inaabangan na rin ang pagputok ni Jho Maraguinot na tila nangangapa pa sa kanyang unang laro sa UAAP matapos hindi masilayan sa aksiyon noong nakaraang season.

Sa kabilang banda, desidido ang La Salle na makabawi sa season na ito matapos mabigong umusad sa finals noong nakaraang taon.

Wala na si veteran hitter Des Cheng ngunit mara­ming rookies ang pupuno sa kanyang naiwang puwesto.

Nariyan si 6-foot-2 middle blocker Thea Gagate, 6-foot opposite hitter Leila Cruz at libero Justine Jazareno.

Makakasama ng matitikas na rookies sina mainstays Aduke Ogunsanya, Tin Tiamzon, Michelle Cobb at Jolina Dela Cruz.

vuukle comment

UAAP SEASON 82

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with