^

PSN Palaro

San Juan sa Finals na

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Makati humirit ng game 3

MANILA, Philippines — Tinangay na ng San Juan Knights ang unang Finals slot ng Northern Division matapos muling pataubin ang Pampanga Giant Lanterns, 91-83, sa pagpapatuloy ng  2019-2020 MPBL-Chooks-to-Go Lakan Cup semifinal round sa San Andres Sports Arena sa Malate, Manila.

Ngunit nabigo naman ang Manila Stars sa pag-angkin sa ikalawang Division Finals berth pagkaraang yumuko sa Makati Super Crunch, 59-75, para itabla ang best-of-three semifinal series, 1-1.

Pag-aagawan ng Manila Stars at Makati Super Crunch ang ikalawang Finals slot sa deciding Game 3 ngayong araw sa parehong venue.

Tangan ng Manila ang homecourt advantage bilang No. 2 seed laban sa No. 3 seed Makati.

Gamit ang mahigpit na full court press, sumandal ang Datu Cup champion San Juan kina MVP contender John Wilson, Jhonard Clarito, Mike Ayona­yon at CJ Isit  tungo sa 2-0 win sa kanilang serye.

Sa kanilang ikala­wang sunod na Finals stint, maghihintay pa ng makakalaban ang tropa ni head coach Randy Alcantara sa mananalo sa pagitan ng Manila at Makati.

SAN JUAN KNIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with