Nadale rin ni Oconer
Kampeon sa LBC Ronda Pilipinas
VIGAN City, Philippines — Dumating na ang araw na pinakahihintay ni George Oconer ng Standard Insurance-Navy - ang magkampeon sa LBC Ronda Pilipinas.
Binuntutan lang ni Oconer, 28, ang kanyang teammates sa Stage 10 criterium upang pormal na ikahon ang matagal ng inaasam na titulo.
“Ito ang best performance ko sa Ronda, nagpapasalamat ako sa teammates ko at sa Standard Insurance dahil tinulungan nila ako na makamit ang matagal ko ng pangarap na mag-champion dito,” masayang sabi ni San Mateo, Rizal native, Oconer.
May aggregate time na 32 oras, 42 minuto at 12 segundo si Oconer habang nasa second hanggang sixth sa overall individual classification ang teammates nitong sina 2018 champion Ronald Oranza, Ronald Lomotos, John Mark Camingao, Junrey Navarra at El Joshua Cariño, ayon sa pagkakahilera.
May 40 minutes at plus three laps ang nasabing last stage na nagsimula at nagtapos sa provincial capitol, pinagwagian ito ni two-time champion Jan Paul Morales ng Standard Insurance-Navy, dumating na segunda at tersero ang kakamping sina Oranza at Navarra.
Nirehistro ng 34-anyos na si Morales ang 51 minuto at 20 segundo, upang sungkitin ang pangatlong stage win sa event na inorganisa ng LBC at sa pakikipagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.
Sinilo rin ng Standard Insurance-Navy ang overall team classification sa karerang itinataguyod ng Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.
Kumana ng back-to-back wins si Morales sa Stages six at seven at sa 10 laps sa event na isine-celebrate ang 10th anniversary, lima ang hinamig ng Navy, tig-isa sina Lomotos, (stage 4) at Camingao, (stage 5).
Samantala, Napunta kay Cariño ang overall mountains classification habang hari si Morales sa sprint classification.
- Latest