^

PSN Palaro

Cignal, Castañeda nagpakilala agad

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agad nagparamdam ang Cignal HD matapos patumbahin ang Generika-Ayala, 19-25, 25-18, 25-20, 25-20, sa pagpapatuloy ng  2020 Philippine Superliga Grand Prix sa Strike Gym sa Bacoor City, Cavite.

Bagama’t dumating la­mang sa bansa noong Sabado, nagpamalas si Simon Liannes Castañeda ng husay para ibigay sa HD Spikers ang magandang umpisa sa import-lader Grand Prix.

Tumapos ang Cuban player na si Castañeda ng 29 puntos, 24 nito mula sa atake.

“Well I’m very happy. Actually, she  (Castañeda) barely had any sleep, but she did her best for our team,” pahayag ni Cignal coach Edgar Barroga.

Nalampasan ng HD Spikers ang mabagal na simula nang maunahan sila sa unang  set ng Lifesa­vers pero bumawi naman sa ikalawa at hindi na nila binitiwan ang trangko hanggang matapos ang laro.

“She’s a reliable import and I put my complete trust on her.  In the first set we were trying to get the right mix of things, then after the first set we looked at our defense pattern.  From there we did our adjustments and the result was good,”dagdag ni Barroga.

Bukod kay Castañeda, umani rin ng 14 puntos si Alohi Robins-Hardy habang nag-ambag sina Ranya Musa at Roselyn Doria ng kabuuang 13 puntos sa laro na umabot sa mahigit dalawang oras.

Pinangunahan naman ng isa pang Cuban import na si Elizabeth Vicet Campos sa kanyang 21 puntos ang Generika-Ayala at 13 naman mula kay Eli Soyud para sa Lifesavers na nakalasap ng kanilang ikalawang sunod na talo matapos matalo sa Petron, 25-22, 25-22, 25-21, sa opening noong Sabado.

ALOHI ROBINS-HARDY

CIGNAL HD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with