San Juan, Manila isa na lang
MANILA, Philippines — Nagwagi ang San Juan Knights kontra sa Pampanga Giant Lanterns, 86-84, habang naka-eskapo naman ang Manila Stars sa mga kamay ng Makati Super Crunch, 77-74, sa Game 1 ng best-of-three semifinal series ng 2019-2020 MPBL-Chooks-to-Go Lakan Cup Northern Division FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Naiwasan ni Mike Ayonayon ang mahigpit na pagbabantay ni Travis Thompson para umiskor ng buzzer-beater off-balanced floater upang itakas ang panalo at pangunahan ang short series, 1-0, sa kanilang homecourt.
“Designed play yun, wala ng oras eh, last shot, so aatakihin ni Mike, pag nag-double kay Mike, kick out kay John. Eh hindi dino-double si Mike, kaya ginawan na ng paraan ni Mike,” sabi ni head coach Randy Alcantara na asam ang ikalawang sunod na titulo para sa San Juan.
Sa kabilang banda, kumonekta si Carlo Lastimosa ng triple sa huling 40.4 segundo at sinundan ng dalawang free throws para muling lumapit ang Stars sa North Division Finals.
- Latest