^

PSN Palaro

EquestrianPH tuloy sa pagtuklas ng talento

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
EquestrianPH tuloy sa pagtuklas ng talento
Naniniwala si Equestrian Philippines president Carissa Coscolluela na maraming mahuhusay na atleta sa Pilipinas na kayang umangat sa world-level competitions.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Tuloy ang Equestrian Philippines sa pagpapalakas sa pagtuklas ng mga bagong talentong isasabak nito sa mga susunod na international tournaments.

Bagama’t hindi kinikilala bilang opisyal na national sports association ng Philippine Olympic Committee, hindi ito hadlang para sa Equestrian Philippines upang humubog ng world-class riders gaya nina Toni Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia.

Naniniwala si Equestrian Philippines president Carissa Coscolluela na maraming mahuhusay na atleta sa Pilipinas na kayang umangat sa world-level competitions.

“We established EquestrianPH in 2018 because we want to continue the initiatives we started so that the sport can continue to grow,” ani Coscolluela sa pagbisita nito sa lingguhang Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Ayaw ni Coscolluela na magpaapekto sa mga kontrobersiya sa mundo ng palakasan.

Mas maigi aniyang itutok na lamang ang atensiyon sa grassroots development program para palakasin ang equestrian sa bansa.

 Kaya naman nais ni Coscolluela na magtaguyod ng iba’t ibang kumpetisyon para makahatak ng mga riders mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ilan sa mga nadiskubre ng grupo si Paola Lorenzo – isang 20-anyos management engineering student sa Ateneo de Manila University.

Nagkampeon si Lorenzo sa showjumping competition ng Equestrian Philippines kasama ang kanyang 13-anyos na kabayong si Selel Francais.

EQUESTRIAN PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with