Navy riders masusukat ang katatagan ng binti
SORSOGON, , Philippines — Ibabandera ng Standard Insurance - Navy sina Ronald Oranza at Jan Paul Morales upang manatili ang kanilng dominasyon sa LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race na magsisimula ngayong araw sa Baywalk.
Para kay Villasis, Pangasinan native Oranza, manatiling naka-focus sa karera upang makamit ang inaasam na tagumpay.
“The goal is to stay positive and not to think that much about last year’s experience,” saad ng 27-anyos na si Oranza, nagkampeon noong 2018.
Ayon naman kay Morales, 34, naniniwala itong kaya pa niyang sungkitin ang pangatlong karera sa 10th edition na suportado ng LBC at inisponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.
“I fell good about our preparation and with more hard work, I think I have a strong chance this year,” pahayag ni Morales.
Super team ang maitatawag sa Standard Insurance dahil papadyak sa kanila sina former Le Tour champion El Joshua Cariño, many-time King of the Mountain winner Junrey Navara, George Oconer, Ronald Lomotos at John Mark Camingao.
Inamin ni Morales na kung sino man sa mga kakampi niya ang nasa itaas ay susuportahan nito para manalo pati sa team.
Bakbakan ngayon ang 11 teams sa 137-km Sorsogon-Sorsogon Stage One.
- Latest