Utah Jazz natakasan ang Blazers; Thunder pinatumba ang Pistons
SALT LAKE CITY -- Isinalpak ni Donovan Mitchell ang kanyang go-ahead layup sa huling19.5 segundo para sa 117-114 panalo ng Utah Jazz laban sa Portland Trail Blazers.
Sibukan ni Portland star guard Damian Lillard na sagutin ang basket ni Mitchell, ngunit sinupalpal ni Utah center Rudy Gobert ang kanyang layup sa nalalabing 11.2 segundo.
Sinasabing dapat ay tinawagan si Gobert ng goaltending.
“We get to the last play of the game and they miss an easy call,” wika ni Lillard, may 42 points. “Then they tell us it’s a easy no call, like that’s obviously not a goaltend. It cost us the game, man.”
Tinapos ng Jazz ang kanilang five-game losing skid.
Tumipa si C.J. McCollum ng 27 points, habang may 16 at 11 markers sina Gary Trent Jr. at Mario Hezonja, ayon sa pagkakasunod, sa panig ng Portland.
Sa Oklahoma City, umiskor si Chris Paul ng 22 points kasunod ang 21 markers ni Shai Gilgeous-Alexander para sa 108-101 panalo ng Thunder kontra sa Detroit Pistons.
Tumipa si guard Reggie Jackson ng season-high 28 points para sa unang laro ng Detroit matapos i-trade si center Andre Drummond sa Cleveland Cavaliers.
Sa Phoenix, humataw si Kelly Oubre ng career-high na 39 points para igiya ang Suns sa 127-91 panalo sa Houston Rockets.
Sa Indianapolis, humakot si Serge Ibaka ng 22 points at 10 rebounds at may 20 markers si Fred VanVleet sa 115-106 paggupo ng Toronto Raptors sa Indiana Pacers.
- Latest