^

PSN Palaro

Yulo nagpatikim ng performance para sa Tokyo Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo nagpatikim ng performance para sa Tokyo Olympics
Carlos Yulo

MANILA, Philippines — Asahan ang mas ma­garbong routine mula kay world champion Carlos Yulo sa oras na sumabak ito sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

Hindi biro ang pinagdadaanang training ni Yulo sa Japan dahil mas matin­ding performance ang nais nitong ipakita sa Tokyo Olympics.

Mas mataas na d­egree of difficulty na inaa­sahang magdadala sa kanya sa i­naasam na gintong me­dalya sa Olympics.

Ipinasilip ni Yulo ang kanyang magiging performance sa Tokyo Games sa kanyang Instagram account kung saan mula sa kanyang double back noong 2019 FIG World Artistic Gymnastics Championship sa Stuttgart, Germany, ginawa itong triple back.

Hindi pa kuntento si Yulo sa kanyang bagong routine ngunit inaasahang mas magiging malinis ito sa oras na tumapak ang kanyang mga paa sa Tok­yo Olympics.

“A bit messy but hey! This is the first time and first try doin this on the actual floor. PS: I was so terrified,” ani Yulo sa kanyang post.

Nagkomento pa ito na “chamba lang” matapos ang komento ng isang fan.

Masaya pang naririnig ang tawa ni Japanese coach Munehiro Kugimiya sa video na tila satisfied sa ipinamalas ng Pinoy champion.

Humakot ang post ng kaliwa’t kanang papuri hindi lamang sa kanyang mga tagahanga maging sa iba’t ibang world class gymnasts na nagkomento kabilang na si 2016 Rio Olympics gold medallist at kapwa 2019 Stuttgart world champion na si Arthur Nory ng Brazil.

Nagkomento rin sina 2019 Pan America bronze medallist Fede Molinari ng Argentina, American NCAA gymnast Hamish Carter ng University of Illinois at 2019 Stuttgart parallel bars world champion Joe Fraser ng Great Britain.

“So good,” ani Fraser.

2020 OLYMPIC GAMES

CARLOS YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with