^

PSN Palaro

PH BEST tankers kakasa sa Tokyo Winter tilt

BRM - Pilipino Star Ngayon
PH BEST tankers kakasa sa Tokyo Winter tilt
Kabilang ang mga tankers na ito ng Swim League Philippines-Philippine Swimming Inc.-sanctioned team na sasabak sa 2020 Tokyo Swimming Winter Championship sa Setagaya, Tokyo, Japan.

MANILA, Philippines — Sasabak ang 17-man team ng Swim Pinas sa 2020 Tokyo Swimming Winter Championships sa Peb­rero 1 sa Setagaya, Tokyo, Japan para sa international exposure ng mga Pinoy age-group swimmers.

Hangad ng mga batang tankers ni coach Virgilio de Luna na mapaganda ang kanilang mga personal best time laban sa host team at iba pang karatig na bansa sa Southeast Asia.

Paghahanda na rin ito ng tropa sa qualifying meet para sa pagpili ng mga miyembro na isasabak sa ASEAN age group championship.

“Malaking bagay po ang international exposure ng ating mga swimmers. Mas mabi-build-up ‘yung confidence nila, mas madali silang maka-adopt sa kompetisyon at mawala ‘yung kaba,” sabi ni team manager Joan Mojdeh, ang founder ng Swimming Pinas Swim Club.

Nagsasagawa ng buwanang torneo ang Swim Pinas batay sa programa ng PSI sa grassroots level, ngunit iginiit ni Mojdeh na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng mga batang tankers ang pagsali sa mga international competitions.

“Kami naman po sa Swim Pinas ay talagang naghahanap ng mga tutulong para mapondohan ang ating mga swimmers. Regular ang aming mga tournament, pero iba pa rin ang build up kapag may exposure abroad,” dagdag ni Mojdeh, ina ni National junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh.

Kasama rin sina assist. coach Rossbenor Antay at Johnson Maulion.

PH BEST TANKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with