^

PSN Palaro

Callera, Gatdula bumandera sa MOS awardees

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Callera, Gatdula bumandera sa MOS awardees
Ang mga Most Outstanding Swimmer winners sa 168th Philippine Swimming League (PSL) Swim Series Short Course Leg 1-NCR kasama si PSL president Alexandre Papa.
Chris Co

MANILA, Philippines — Nagningning sina Richelle Callera, Ehm Ahmadelle Alavy-Chafi, Venise Gatdula at Triza Tabamo para pamunuan ang mga Most Outstan­ding Swimmer winners sa 168th Philippine Swimming League (PSL) Swim Series Short Course Leg 1-NCR na ginanap sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.

Humakot si Callera ng 120 puntos para makuha ang MOS award sa girls’ 9-year habang nakalikom naman si Alavy-Chafi ng 117 puntos tungo sa pagsikwat sa unang puwesto sa girls’ 11-year.

Umani naman si Gatdula ng 100 puntos sa girls’ 13-year para angkinin ang MOS award sa natu­rang dibisyon gayundin si Tabamo na nakasungkit ng MOS sa girls’ 12-year matapos magtala ng 120 puntos.

Nakahirit din ng MOS awards sa Class A sina Sophia Garra (7), Maria Zabelle Eugenio (10) at Allyza Palermo (14).

Sa Class B, wagi ng MOS sina Francesca Mae Gajo (7), Johanne Kirstie Briones (8), Akina Dominique Bautista (9), Francesca Rom (10), Nicole Camacho (11), Francine Carlos (12), Elle Samantha Alavy-Chafi (13), Eulah Daphne Anne Balili (14), Geole Nicole Agcarcar (15-over).

Namayagpag naman sa Class C sina Athena Feliciano (7), Alexis Dela Cruz (8), Abigail Van De Rona (9), Stephanie Elumbaring (10), Sofia Anneira Gomas (11), Princess Jasmine Moelter (12), Marielle Montenegro (13), Angelica Fernandez (14) at Maria Angela Bernal (15-over).

Itinanghal na overall champion ang Susan Papa Swim Academy matapos makalikom ng 1,885 puntos habang pumangalawa ang Angeles City Swimming Team tangan ang 1,037 puntos kasunod sa ikatlo ang Navotas Swimming Team (566.50).

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with