^

PSN Palaro

Pasig nakasilip pa ng pag-asa

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Pasig nakasilip pa ng pag-asa
Sinagasaan ni Jeric Teng ng Pasig City ang depensa ni Jed Mendoza ng Biñan City sa aksyong ito.

PASIG , Philippines — Binura ng Pasig-Sta. Lucia Realtors ang 12-point deficit sa ikatlong yugto tungo sa 82-75 panalo kontra sa Biñan City-Luxxe White sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nagsanib puwersa sina Josan Nimes at Jeric Teng ng 23-5 blast upang mu­ling angkinin ang bentahe, 63-58, para itakas ang kanilang ika-16 panalo sa 27 laro at panatiliing buhay ang pag-asa na makapasok sa 8-team playoff round ng Northern Division.

Umani ang dating NCAA Rookie of the Year na si Nimes ng 30 puntos, 11 rebounds at tatlong steals habang si Teng ay tumulong ng 18 puntos, limang assists at apat na rebounds para putulin ang six-game winning streak ng Biñan.

Ang Biñan ay nahulog sa ika-sampung puwesto sa 12-15 win-loss kartada sa Southern Division.

Tumipak din ng tig-siyam na puntos sina Argel Mendoza at Leo Najorda para sa Realtors.

Sa iba pang laro, humataw si Ronjay Buenafe ng 26 puntos, pitong rebounds at anim na assists upang iangat ang Bicol-LCC Volcanoes sa 86-72 panalo laban sa Sarangani Marlins.

Umiskor din ng 20 puntos si Alwyn Alday na may kasamang limang rebounds at dalawang assists at 12 puntos naman mula kay Jonathan Aldave para ilapit ang Volcanoes sa playoff round sa  kanilang 14-13 slate.

Naka-eskapo naman ang Marikina Shoemasters laban sa Imus Bandera, 89-86, sa iba pang laro.

JOSAN NIMES

MPBL

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with