Baclig top pick ng AMA
Malonzo laglag sa no. 2
MANILA, Philippines — Sinorpresa ng AMA Online Education ang lahat nang kunin nito si homegrown playmaker Reed Baclig bilang top pick sa 2020 PBA D-League Draft kahapon sa PBA Office sa Libis, Quezon City.
Pinili ng Titans ang 5-foot-7 guard na bahagi ng grassroots program ng AMA.
Nahulog naman si Jamie Malonzo sa second pick matapos itong kunin ng Foundation Cup runner-up Marinerong Pilipino.
Ang 6-foot-6 high-flyer na si Malonzo ay nagtapos sa Portland State at nasilayan sa aksiyon sa De La Salle University noong UAAP Season 82.
Naging bahagi si Malonzo ng Mythical Team sa naturang season.
Maliban kay Malonzo, nakuha rin ng Marinero sina Joshua Torralba at Jollo Go ng La Salle, James Spencer ng University of the Philippines, Darrell Menina ng University of Cebu at Miguel Gastador ng University of San Jose-Recoletos.
Napasakamay naman ng Centro Escolar University sina Gilas pool member Jaydee Tungcab bilang third pick.
Pasok din sa Scorpions sina John Apacible ng University of the East, Jboy Gob at David Murrell ng UP at Jerie Pingoy ng Adamson University.
Tanging 41 lamang mula sa kabuuang 137 aspirants ang nakuha sa draft.
Magsisimula ang 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Pebrero 13.
- Latest