^

PSN Palaro

Hallasgo may pinatunayan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Hallasgo may pinatunayan
Sina Christine Hallasgo at Jerald Zabala ang hinirang na kampeon sa 2019 Milo Marathon National Finals na idinaos sa Tarlac nitong Linggo.
Jun Mendoza

Reyna ng Milo marathon; hari naman si Zabala

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni Christine Hallasgo na siya na talaga ang reyna ng Philippine marathon habang inangkin naman ni Jerald Zabala ang men’s title sa 2019 Milo Marathon National Finals kahapon sa Tarlac Plazaela sa Tarlac City.

Matapos ang kanyang runner-up finish noong nakaraang taon, siniguro ni Zabala na masisikwat na niya ang korona sa men’s division sa dalawang oras, 31 minuto at 16 segundo, mahigit sampung talampakan ang agwat mula sa second finisher na si Richard Salano at third placer Jeson Agravante na nagtala ng 2:31.55.

“Ito pa lamang ang u­nang pagkakataon na nanalo ako rito sa Milo bilang marathon King. Ang dami ng tao kaya hindi ako natatakot sa takbuhan kundi sa dami ng tao,” pahayag ng 31-anyos na si Zabala.

Malaking bagay na rin para kay Cagayan de Oro-native Zabala ang ma­laking panalo makaraang tumapos lamang sa fifth place sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games noong nakaraang buwan.

Sa ikalawang pagkakataon naman, muling tinalo ni Hallasgo ang paboritong si Mary Joy Tabal ng Cebu, matapos ang kanyang pa­nalo sa 2019 SEAG kung saan itinakas niya ang gintong medalya.

Nag-oras si Hallasgo ng 2:52:23 para angkinin ang korona bilang Milo marathon queen at muling nilaglag si Tabal sa ikalawang puwesto. Si Tabal ay nagtala ng 2:58:49 habang ikatlo naman si dating Milo champion Christabel Martes sa 3:05:40.

Hindi naman malayo ang Malaybalay, Bukidnon-native na si Hallasgo sa kanyang SEAG time na 2:56:56 habang napanatili naman ni Tabal ang kanyang 2019 SEAG silver medal time na 2:58:49 malayo sa kanyang 2017 SEAG gold medal time na 2:48:26 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Hindi ko talaga inaasahan na muling tatalunin ko ang idol ko na si Joy Tabal. Siguro naging positibo lamang ako sa pananaw ko. Ginawa ko lang ang lahat para mananalo,” ani Hallasgo.

CHRISTINE HALLASGO

JERALD ZABALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with