Perpetual Help teams humataw ng panalo
MANILA, Philippines — Nakabalik sa porma ang University of Perpetual Help System Dalta matapos kunin ang 29-31, 25-13, 25-20, 25-20 panalo laban sa San Sebatian College-Recoletos sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nagsilbing lider si veteran outside hitter Bianca Tripoli sa matikas na ratsada ng Lady Altas nang humataw ng 17 points tampok ang 15 attacks para manduhan ang matikas na pagresbak ng Las Piñas-based squad.
Umangat sa 1-1 baraha ang Perpetual Help na una nang yumuko sa College of Saint Benilde sa opening day.
Nakatuwang ni Tripoli si Jhona Rosal na umiskor ng 11 attacks at 3 aces, habang nagdagdag si Dana Persa ng 11 hits para sa Lady Altas.
Nagtala naman si play-maker Jenny Gaviola ng 8 excellent sets at 8 points at may itinala namang 7 points kasama ang 3 blocks si Charina Scott.
Nanguna para sa Lady Stags si team captain Shannai Shane Requierme na umani ng 16 markers at 3 receptions, habang may 11 hits naman si Jamille Veronica Carreon.
Ngunit hindi ito sapat para tuluyang mahulog ang San Sebastián sa ikalawang kabiguan.
Sa men’s division, namayani rin ang nagdedepensang Perpetual Help Altas kontra sa San Sebastian Stags, 25-18, 25-15, 25-21, para sumulong sa 2-0 baraha.
- Latest