Chooks-to-Go susuportahan ang mga PIDs
MANILA, Philippines — Hindi lamang aktibo ang Chooks-to-Go sa pagsuporta sa mga elite athletes.
Inilunsad kahapon ng Chooks-to-Go ang “Kaya ‘Yan, Manok ng Bayan” na isang year-long campaign na may hangaring isali ang mga persons with intellectual disabilities (PIDs) sa sports.
Nilagdaan nina Bounty Agro Ventures, Inc. president Ronald Mascariñas at Special Olympics Asia Pacific president at managing director Dipak Natali, kinatawan ni Kaye Chastine Samson, ang nasabing partnership.
Magtutulong ang dalawang grupo sa pagdaraos ng mga sports fest at training sessions para sa mga PIDs sa buong bansa.
“My eldest daughter opened my eyes,” sabi ni Mascariñas sa pagsuporta niya sa programa ng Special Olympics Asia Pacific (SOAP). “It was destiny that we (SOAP) meet.”
Ayon kay Mascariñas, aktibo ang kanyang anak sa pagtulong sa mga PIDs dahil tapos ito ng kursong speech pathology na siyang nagbukas ng kanyang puso para suportahan din ang mga PIDs katuwang din ang Unilab Foundation. Kasama sa programa ng Chooks-to-Go ang pagbibigay ng trabaho sa mga PIDs sa kanilang opisina.
“Our 22 business centers are mandated to hire at least one PID,” wika ni Mascariñas. “Kung ano ang kaya nilang gawin that is the work that will be given to them.”
Nangako rin na tutulong sa programa sina ‘Kaya ‘Yan Manok ng Bayan’ Ambassador Kobe Paras, Athletes Commission chairman Niko Huelgas at mga bagong miyembro ng Chooks-to-Go program na sina surfer Roger Casugay at skateboarder Jaime De Lange.
- Latest