San Juan pinatibay ang kapit sa unahan
MANILA, Philippines — Nagtala si John Wilson ng panibagong scoring record upang iangat ang San Juan Knights kontra sa Pasig-Sta. Lucia Realtors, 109-99, sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Umiskor si Wilson ng 24 puntos para maging unang manlalaro ng home-and-away league na umabot sa 1,000-point plum.
Ang panibagong tagumpay ni Wilson ay karagdagan sa kanyang NCAA MVP honor noong 2009 habang naglalaro sa Jose Rizal University Heavy Bombers . Siya rin ang may-ari ng MPBL record na 44 puntos sa isang laro.
Bukod sa malaking puntos, umani pa ng limang rebounds, apat na assists ang 32-anyos na si Wilson para makopo ang ika-22 panalo ng Datu Cup titlist Knights at manatili sa solo liderato sa Northern Division.
Sa ibang laro, nilampaso ng Bacoor Strikers ang Muntinlupa Cagers, 98-67, para manatili sa ikalawang puwesto sa 21-5 slate sa likuran ng solo leader Davao Occidental Tigers (20-3) sa Southern Division.
Nagwagi rin ang Bacolod Master Sardines kontra sa Basilan Steel, 96-89, upang masungkit ang ika-siyam panalo sa 25 na laro.
- Latest