^

PSN Palaro

Philippine volleyball teams magiging abala

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isasabak ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) ang men’s at women’s national teams sa iba’t ibang in­ternational tournaments ngayong taon.

Maglalaro ang Philippine men’s volleyball team sa Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Abril 18-25 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Hinangaan ang mga Pinoy spikers nang angkinin ang silver medal sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na pinamahalaan ng Pilipinas noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ng nakaraang taon.

Ilalaban din ng LVPI ang men’s national squad sa AVC Cup sa Agosto 22-29 sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

Samantala, sasabak naman ang national women’s team sa Asian Women’s Club Championship sa Tianjin, China sa Mayo 2-9 kasunod ang AVC Women’s Cup sa Hong Kong sa Agosto 24-30.

Nabigo ang mga Pinay na makapasok sa medal round ng 2019 SEA Games.

LARONG VOLLEYBALL SA PILIPINAS INC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with