^

PSN Palaro

Davis pinasiklaban uli ang Pelicans

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES -- Nagpasabog si Anthony Davis ng 46 points laban sa dati niyang koponan at nagdagdag si Danny Green ng 25 markers para pamunuan ang 123-113 panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Pelicans.

Ito ang ikalawang sunod na pagtatala ni Davis ng 40-point game kontra sa dati niyang tropa na nilaruan niya ng pitong seasons matapos piliin bilang top overall pick noong 2012.

Nagtala rin siya ng 13 rebounds para sa kanyang ika-16 double-double ngayong season.

Tumapos naman si LeBron James na may 17 points at 15 assists para sa ikaapat na sunod na ratsada ng La­kers matapos ang season-high na four-game losing skid.

Umiskor si Davis ng 19 points sa third quarter kung saan iniwanan ng Los Angeles ang New Orleans sa 105-83.

Sa Houston, nagposte si James Harden ng 44 points, 11 rebounds at 11 assists para banderahan ang Rockets sa 118-108 pagpapatumba sa Philadelphia 76ers.

Kumolekta naman si Clint Capela ng season-best 30 points at 14 rebounds para sa Houston na ipinalasap sa Philadelphia ang pang-apat na dikit na kamalasan.

Sa Boston, naglista si Jaylen Brown ng 24 points at 10 rebounds para akayin ang Celtics sa pagbangon mula sa 18-point deficit sa first quarter at talunin ang Atlanta Hawks, 109-106.

Pinamunuan ni Trae Young ang Hawks mula sa kanyang 28 points at 10 assists.

Sa Phoenix, humataw si Devin Booker ng 38 points habang may 29 markers si Kelly Oubre Jr. para sa 120-112 pagdaig ng Suns laban sa New York Knicks.

Ito ang ikatlong panalo ng Phoenix sa huli nilang apat na laro.

Nag-ambag si Aron Baynes ng 20 points at 12 rebounds at kumolekta si Deandre Ayton ng 15 points at 13 boards.

Sa Orlando, umiskor si Terrence Ross ng 25 points habang naglista si Nikola Vucevic ng 20 points at 11 rebounds para tulungan ang Magic sa 105-85 paggupo sa Miami Heat.

ANTHONY DAVIS

DANNY GREEN

JAMES HARDEN

LEBRON JAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with