^

PSN Palaro

Ramirez pinalakas ang grassroots program

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ramirez pinalakas ang grassroots program
PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez

MANILA, Philippines — Sa kabila ng abala bilang Chef de Mission ng Team Philippines para sa 30th Southeast Asian Games, hindi nakaligtaan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang mandato ng ahensiya sa pagpapaunlad ng sports sa bansa sa pamamagitan ng kanilang grassroots development program.

Kahit sa preparasyon na isinagawa sa paghahanda ng mahigit 1,115 miyembro ng national team, tuluy-tuloy pa rin ang programa sa grassroots kagaya ng pagdaraos ng  tatlong Qualifying Legs ng Batang Pinoy.

Sa ikatlong sunod na pagkakataon, muling di-nomina ng Baguio City ang 2019 Batang Pinoy National Finals na ginanap sa Puerto Princesa City, Palawan noong Agosto.

Bukod sa Batang Pinoy program, pinagpatuloy pa rin ang pagdaraos ng Philippine Sports Institute (PSI) seminars at clinics sa iba’t ibang panig ng bansa at Indigenious Games sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nakikipag-ugnayan pa rin ang PSC sa United States Sports Academy at sports institutes sa Australia, Cuba, China, South Korea, Russia at Spain upang lalo pang palakasin ang PSI.

Sinusuportahan din ng PSC ang 2019 Palarong Pambansa na ginawa sa Davao City noong Abril 30 at pinalakas ang ugnayan sa Department of Education, Commission on H­igher Education at Department of Interior and Local Government at iba’t ibang Local Goverment Units (LGUs) para palakasin ang grassroots development program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Ang ibang programa ng PSC ay ang Women on Sports ni commissioner Celia Kiram at PSC Para Games ni commissioner Arnold Agustin.

Matapos ang mata­gumpay na hosting ng bansa sa 30th SEA Games, nagpasalamat si Ramirez sa sambayanang Pilipino, lahat ng mga atleta at iba’t ibang sports officials sa ibinigay na suporta.

Nakamit din ng Team Philippines ang ikala­wang overall championship trophy sa biennial meet makaraang mag-uwi ng kabuuang 149 golds, 117 silvers at 119 bronzes.

Unang nakopo ng national team ang titulo noong 2005 hosting kung saan si Ramirez din ang Chef of Mission at PSC Chairman.

“You all made us proud. Salamat sa inyong sakripis­yo, tiyaga at pagpupursige. All your hard work and achievement produces more than just medals. It lifted the spirit of a national hungry for inspiration and hope. It awakened the spirit of patriotism,” sabi ni Ramirez.

Dahil sa tagumpay,  naniniwala ang lahat na magpapatuloy ang galing ng mga atletang Pilipino hanggang sa 2020 Tokyo Olympic Games.

 Kaugnay nito, sinabi ni Ramirez na handa na ang Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) na tumulong ng P100 million para sa kampanya ng mga Filipino athletes sa 2020 Olympiad alinsunod sa pangako ni Pres. Duterte noong Dis­yembre 18 sa pagbisita ng mga SEA Games meda­lists sa Malacañang.

Sa ngayon, sina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlo Yulo pa lamang ang nakasiguro na ng slots sa Olympics. Ngunit, inaasahan na makakapasok din sina weighlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, judoka Kiyomi Watanabe, karateka Junna Tsukii at boxers Nesthy Petecio at Eumir Marcial.

Ang iba pang proyekto na pangungunahan ng PSC sa susunod na taon ay ang pagdaraos sa 2020 Asean Para Games sa New Clark City sa Marso.

Pangungunahan sana ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamunuan ni Speaker Alan Peter Ca­yetano ang 2020 Asean Para Games, ngunit nagkaroon ng pagbabago dahil nawalan na ng pondo kaya ipinasa na sa PSC ang gastusin ng 11-nation meet para sa mga atletang may physical disabilities.

“That’s why we have to hold it in March next year because by then maybe we have the budget already for the Asean Para Games. We need at least P400 million for this pr­o­ject,” ayon kay Ramirez. 

PHISGOC

WILLIAM “BUTCH” RAMIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with