Bucks sinilo ang Hawks
ATLANTA -- Hindi naglaro si Giannis Antetokounmpo at hindi ito naging problema para sa Milwaukee Bucks.
Umiskor si Khris Middleton ng 23 points habang nagtala si Ersan Ilyasova ng mga season highs na 18 points at 17 para akayin ang NBA-leading Bucks sa 112-86 pagsugpo sa Hawks.
Ipinahinga ng Milwaukee si Antetokounmpo, ang league MVP sa nakaraang season at second-leading scorer ngayong season, dahil sa kanyang back soreness.
Nanood siya mula sa bench sa paghatid ng kanyang mga teammates sa Bucks sa 28-5 record at 13-3 marka sa mga road games.
Nalasap naman ng Hawks ang pang-siyam nilang kamalasan at nahulog sa league-worst na 6-26 baraha.
Nagkaroon ng right ankle sprain si Atlanta guard Trae Young, ang NBA fourth-leading scorer, sa dulo ng second quarter.
Sa Boston, dinuplika ni Jaylen Brown ang kanyang career high na 34 points at humugot si Jayson Tatum ng 24 sa kanyang 30 points sa first half para sa 129-117 pananaig ng Celtics laban sa Cleveland Cavaliers.
Ito ang pang-limang sunod na ratsada ng Boston.
Nagdagdag si Enes Kanter ng 14 points kasunod ang 13 markers ni Kemba Walker para sa 13-1 home record ng Boston.
Sa Miami, umiskor si Goran Dragic sa huling 6.8 segundo para itakas ang Heat laban sa Indiana Pacers, 113-112, at itala ang NBA best home record na 14-1.
Bago ang basket ni Dragic ay nagmintis muna sina Jimmy Butler at Kendrick Nunn sa posesyon ng Miami,
- Latest