^

PSN Palaro

10th ASEAN Para Games iniurong sa Marso

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ililipat sa Marso ang pagtataguyod ng 10th Asean Para Games na orihinal na nakatakda sa Enero 18 hanggang 25.

Ito ang inihayag ni Phi­lippine Paralympic Committee (PPC) President Michael Barredo matapos isiwalat ng Philippine Sports Commission (PSC) na problemang pinansiyal ang pangunahing dahilan para mabago ang petsa.

Karaniwan nang ginaganap ang Asean Para Games ilang linggo matapos ang Southeast Asian Games na pormal nang nagtapos noong Disyembre 11.

“While we have made every effort to prepare the Games in the past one and a half years, matters well beyond our control are compelling us to re­schedule the event,” ani Barredo.

Dagdag ni Barredo na magandang pagkakataon ito para mabigyan ng sapat na panahon ang mga organizers na makahanap ng pondo para sa hosting ng bansa ng Asean Para Games.

“We are looking to reset it for March next year to be able to have enough time for financial and logistical matters to be settled,” ani Barredo.

Ipinadala na ng PPC ang desisyon sa Asean Para Sports Federation.

Hiniling din ni Barredo na ipaabot ng PSC sa mga Asean countries ang ginawang desisyon ng PPC.

ASEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with