Concio nakasikwat ng IM title at GM norm
MANILA, Philippines —
Nakipag-draw si Michael Concio kay Indonesian FIDE Master Daniel Hermawan Lumban Tobing para pagharian ang Eastern Asia Juniors Chess Championships sa Lima Hotel sa Tanauan, Batangas.
Inangkin din ng 14-anyos na si Concio ang International Master title at ang isang GM norm.
Tinapos ni Concio ang torneo na may perpektong 7.0 points mula sa limang panalo at apat na draws.
Kabilang sa kanyang mga tinalo ay si IM Gilbert Elroy Tanigan ng Indonesia, habang nakipag-draw naman siya kina top seed IM John Marvin Miciano at Southeast Asian Games veteran IM Daniel Quizon.
Bukod kay Concio, produkto rin ang 15-anyos na si Quizon at si WIM Kylen Joy Mordido ng programa ni Dasmariñas City Cong. Pidi Barzaga.
Si Concio ang pinakabatang qualifier sa final phase ng 2019 World Chess Olympiad tourney.
- Latest