Union Bell, Exponential wagi sa Juvenile Stakes Race
MANILA, Philippines — Maaari nang sumabak ang Union Bell sa Triple Crown Series sa susunod na taon.
Kinumpleto ng Union Bell ang pagwalis sa three-leg 2019 Philippine Racing Commission (Philracom) Juvenile Colts Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park kamakailan.
Umarangkada ang Union Bell sa huling 400 metro laban sa Lucky Savings para sa panalo sa 1,500-meter race mula sa bilis na 1:34.6 na may mga quartertimes na 18, 24, 25 at 27.
Inangkin ng Union Bell, anak ng Union Rags, USA at Tocqueville, ARG, ang P1,200,000 para sa Bell Racing Stable ni owner Elmer de Leon mula sa total guaranteed purse na P2,000,000 ng Philracom.
Pumangalawa ang Lucky Savings (jockey Kevin Abobo, owner Antonio Coyco) para sa runner-up purse na P450,000 kasunod ang third placer Four Strong Wind (PM Cabalejo, Alfredo Santos) na sumikwat ng premyong P250,000.
“Bale sunod lang, hinintay ko mag-ultimo kuarto, kasi kilala ko naman ‘yung kalaban ko na nauuna. Hinintay ko lang na may dumikit sa akin. Pagdating ng kuarto, nilapitan ko na, ‘yung rekta okay na,” sabi ni jockey Jonathan B. Hernandez, inihatid ang Exponential sa panalo sa Philracom Juvenile Fillies Stakes Race 3rd leg.
Pagmamay-ari ni Raymund Puyat, nagtala ang Exponential (anak ng Algorithm, US at Rap, US, ng five-length sa fillies’ category sa tiyempong 1:36.6 mula sa quartertimes na 18, 24, 26 at 28 para sa top purse na P1.2 milyon mula sa total pot na P2 milyon.
- Latest