World-class talaga ang pinoy dancers
MANILA, Philippines — Solido ang produksiyon ng dancesport team sa 2019 Southeast Asian Games matapos humakot ng 10 ginto at dalawang pilak na medalya para tanghaling third best national sports association.
Kaya naman todo ang pasasalamat ng Dancesport Council of the Philippines (DSCPI) partikular na sa Philippine Amusement and Gaming Corporation’s (Pagcor) na siyang pangunahing tagasuporta ng pambansang delegasyon.
Ayon kay DSCPI President Becky Garcia, malaki ang bahagi ng Pagcor sa tagumpay ng kanyang bataan dahil isa ito sa mga tumulong para sa international exposure ng mga Pinoy dancers.
“All our four couples who dominated the Dancesport’s Standard and Latin categories benefited from Pagcor’s aid. We were able to send them to Italy to attend a rigid dance training as part of their preparations for the SEA Games,” ani Garcia.
Ilan sa mga dancesport athletes na nagsanay sa Italy ay sina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla na naka-tatlong ginto sa Tango, Viennese Waltz at Five Dance Steps events gayundin sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Reginen na naka-dalawang ginto naman sa Standard Waltz at Slow Foxtrot at pilak sa Quickstep.
Kasama ring nagsanay sa abroad ang mga pambato sa Latin Category.
Naka-tatlong ginto rin sina Wilbert Aunzo at Pearl Marie Cañeda sa Samba, Chacha at Rumba habang nagdagdag sina Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo ng dalawang ginto sa Paso Doble at Latin Five Dance event.
Nakapilak din sina Marquez at Sabalo sa Jive.
Sumailalim din sa matinding pagsasanay ang Pinoy dancers sa tulong nina foreign coaches Alina Nowak at Alexander Melnikov.
“We could not have done this without Pagcor. Every year, DSCPI sends athletes abroad to compete in international dancesport events. Our aim here is not only to win but to give them the international exposure that they need,” ani Garcia.
Pinuri ni Pagcor chairman/CEO Andrea Domingo ang tagumpay ng Pinoy dancesport team.
“Whenever we support our athletes, we also give our country a chance to shine internationally. We saw this during the opening of the 30th SEA Games when all eight Filipino dancesport contenders ruled over its opponents from Vietnam, Singapore, Thailand, Malaysia and Indonesia. Indeed, our direct assistance to these dancers was spent wisely on training with the best coaches abroad, who further imparted their dance acumen to promising proteges,” ani Domingo.
- Latest