Pinoy kickboxers nagpasiklab sa SEAG debut
MANILA, Philippines — Limang medalya ang kabuuang naiambag ng national kickboxing team sa pagtatapos ng 2019 Southeast Asian Games kickboxing
competitions kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sa huling araw ng kumpetisyon, nakahirit pa ng ginto si Gina Iniong na naglatag ng magandang porma laban kay Api Mingkwan ng Thailand para kub
rahin ang impresibong 3-0 panalo tungo sa pagkopo ng gintong medalya sa women’s light -55kg class.
Nauna nang nakasikwat ng ginto si Benguet pride Jerry Olsim habang nakapilak naman sina 2017 Summer World University Games silver medallist Jomar
Balangui at Raquel Daquel sa kani-kanilang dibisyon.
Hindi hinayaan ni Olsim na makaporma pa ang kanyang karibal na si Klinming Sarayut ng Thailand sa finals para kunin ang gintong medalya sa men’s
–69 kg. kick light category.
Sa kabilang banda, lumasap ng kabiguan si Dacquel kay Nguyen Thi Hang Nga ng Vietnam, 1-2, para magkasya sa pilak sa women’s -48kg full contact
habang pumangalawa rin si Balangui na yumuko kay Phan Ba Hoi ng Vietnam, 1-2, sa men’s -54kg low kick finals.
Pinuri ni Samahang Kick-boxing ng Pilipinas (SKP) president Senator Francis ‘Tol’ Tolentino ang kanyang bataan na tunay na nagsikap para makapag-
ambag ng medalya sa kampanya ng Team Philippines.
“Nakita naman natin na talagang lumaban tayo, hindi natin ito expertise pero nakipag-laban ang mga manlalaro natin. Congratulations sa mga nanalo.
Pahuhusayan pa natin sa susunod,” ani Tolentino.
Naibulsa naman ni Benguet pride Jean Claude Saclag ang huling ginto ng tropa matapos pagharian ang men’s -63kg. low kick event.
- Latest