^

PSN Palaro

10 ginto sa Pinoy dancers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
10 ginto sa Pinoy dancers
Nagpamalas ng maningning na performance ang tandem nina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen para angkinin ang ginto sa Waltz at Foxtrot sa dancesports event ng 30th SEA Games.
Jun Mendoza

CLARK, Pampanga, Philippines — Sadyang mas magiliw magsayaw ang mga Pinoy kumpara sa kanilang mga kapitbahay sa Southeast Asia.

Sampu sa kabuuang 13 gold medals ang inangkin ng Pilipinas sa dancesport competition ng 30th Southeast Asian Games kahapon dito sa Royce Hotel.

Tatlong gintong medalya ang sinikwat nina Sean Mischa  Aranar at  Ana Leonila Manalo Nualla sa Tango, Viennese Waltz at Five Dance events at sina Wilbert Aunzo at Pearl Caneda sa rumba, samba at cha-cha.

“Napakasaya po namin. Sobrang nakaka-overwhelm iyong crowd,” wika ni Nualla sa suporta sa kanila ng mga Pinoy fans. “Nabawasan kami ng napakalaking pasanin.”

Inangkin naman nina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen ang dalawang gold medal sa Waltz at Slow Foxtrot category.

Nagdagdag ng isang ginto sina Michael Marquez at Stephanie Sabalo mula sa Latin Paso Doble.

Huling idinaos ang dancesport competition noong 2007 SEA Games sa Thailand kung saan nag-uwi ang mga Pinoy ng kabuuang dalawang ginto, apat na pilak at tatlong tansong medalya.

ANA LEONILA MANALO NUALLA

PINOY DANCERS

SEAN MISCHA ARANAR

TANGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with