^

PSN Palaro

Pinoy Spikers hahataw na vs Cambodia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

PASIG, Philippines — Puntirya ng men’s volleyball team na masungkit ang unang panalo sa pakikipagtipan nito sa Cambodia sa pag-arangkada ngayong araw ng 2019 Southeast Asian Games indoor volleyball competitions sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang bakbakan ng Pilipinas at Cambodia sa alas-6 ng gabi.

Papalo rin ang engkuwentro ng Singapore at Thailand sa ala-una ng hapon at Vietnam at Indonesia sa alas-3:30.

Kasama sa Pool B ang Pilipinas at Cambodia kasama ang Vietnam at Indonesia habang pasok sa Pool A ang Thailand, Singapore at Myanmar.

Tanging ang dalawang mangungunang koponan sa bawat grupo ang papasok sa crossover semifinals.

Babanderahan ni five-time UAAP MVP Marck Jesus Espejo ang kam­panya ng Pilipinas kasama si dating National University standout Bryan Bagunas na naglalaro sa commercial league sa Japan.

Makakatuwang nina Espejo at Bagunas sina middle blockers Francis Saura, Kim Malabunga at Rex Intal, team captain Johnvic De Guzman at sina Ranran Abdilla, Jessie Lopez, Mark Gil Alfafara, Ish Polvorosa, Ricky Marcos at Joshua Umandal.

Aarangkada naman bukas  ang women’s volleyball competitions kung saan unang makakalaban ng Pilipinas ang 2017 SEAG silver medallist Vietnam sa alas-6 ng gabi.

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES

INDOOR VOLLEYBALL

JESSIE LOPEZ

JOSHUA UMANDAL

MARK GIL ALFAFARA

PHILSPORTS ARENA

RANRAN ABDILLA

RICKY MARCOS

SH POLVOROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with